PBA, kinansela muna ang nakatakdang pag-uwi ng tatlong team sa Clark bubble dahil sa Bagyong Ulysses

63

Kinansela muna ng PBA ang nakatakda sanang paglabas ng tatlong koponan sa Clark bubble matapos ang elimination round ng Philippine cup.

Nabatid na nakatanggap ng advisory si PBA Deputy Commissioner Eric Castro na hindi madaaanan ang bahagi ng Bocaue sa North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa pagbaha bunsod na rin ng Bagyong Ulysses.


Nakatakda sanang lumabas ng PBA bubble ang team ng NLEX Road Warriors, Blackwater Elite at Terrafirma Dyip na bigong makausad sa quarterfinals.

Nauna naman nang nakalabas ng Clark bubble ang Northporth Batang Pier na hindi rin pinalad na makarating sa quarterfinals noong pang Miyerkules matapos ang huling laro kontra Meralco Bolts.

Facebook Comments