Lungsod ng Samal ng Davao del Norte, niyanig ng 4.4 magnitude na lindol

Naramdaman ang 4.4 magnitude na lindol sa lungsod ng Samal, lalawigan ng Davao del Norte pasado alas-4:14 kaninang madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naitala ang episentro ng pagyanig sa 10 kilometers ng Island Garden ng Samal ng nasabing lalawigan.

Nasa 31 kilometers ang lalim ng nito at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.


Walang naitala ang PHIVOLCS ng mga intensity na dulot ng pagyanig at wala ring inaasahang mga aftershock.

Hindi rin naglabas ng tsunami warning alert ang nasabing ahensya sa mga karagatan na tinamaan ng lindol.

Sinabi rin ng PHIVOCLS na wala naman nasakatan o nasirang mga ari-arian sa lugar kung saan nangyari ang pagyanig.

Facebook Comments