Lungsod ng San Juan, dalawang araw ng walang naitalang bagong kaso ng COVID-19

Ikinatuwa ng pamahalaang lungsod ng San Juan ang dalawang araw na walang naitatalang bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa kanilang lugar.

Batay sa kanilang tala, noong May 21, 2020 pa ang pinakahuling araw na nagkaroon ng bagong kaso ang lungsod, kung saan hanggang ngayon ay nananatili ang kabuuang bilang nito na 302.

Nananatili rin sa 40 ang bilang ng mga nasawi nang dahil sa COVID-19 at 138 naman ang mga nakarekober na.


Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Francis Zamora sa kanyang mga residente na patuloy na sumusunod sa mga panuntunan ng lungsod kaugnay sa paglaban kontra sa banta ng COVID-19.

Umaasa naman ang alkalde na magtutuluy-tuloy na ang magandang record nila kaugnay sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments