Nagsagawa ng mock polls ang Commission on Elections (COMELEC) kahapon sa lungsod ng San Juan na ginawa sa San Juan Elementary School.
Ang mga botante ng Barangay Balong Bato at Barangay Ermitaño ang nag-participate ng nasabing mock polls kung saan mayroon itong 4,235 registered voters.
Ayon sa Comelec, layunin ito na ma-test at matiyak ang security at efficiency ng voting process kasabay ng pagpapatupad ng basic health protocols laban sa COVID-19.
Nilinaw ng Comelec na ang mock poll ay hindi simulation ng voting system, kundi simulation ng voting process.
Facebook Comments