Lungsod ng Shanghai sa China, nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19 related death matapos isailalim sa lockdown

Nakapagtala ang lungsod ng Shanghai sa China ng unang kaso ng COVID-19 related deaths matapos itong isailalim sa lockdown ilang linggo ang nakalilipas.

Ito ay matapos masawi ang tatlong indibidwal pawang mga senior citizens na mayroong mga iniindang karamdaman na mas pinalala ng COVID-19.

Mababatid na lumobo muli ang kaso ng COVID-19 sa China dahilan para magpatupad ng lockdown ang lungsod ng Shanghai kung saan nakapagtala ito ng higit 22,000 new COVID-19 cases sa loob lamang ng isang araw.


Nararanasan naman ngayon ng bansang Thailand ang downward trajectory sa kanilang bilang ng COVID-19 cases matapos magpeak ito noong Marso dahil sa Omicron variant at ng BA.2 subvariant.

Sa kabila nito ay pinangangambahang makapagtala muli ng pagtaas dahil sa kakatatapos lamang na Songkran festival ngunit hindi na nito maabot ang lebel na katulad sa pagsisimula ng Omicron outbreak.

Facebook Comments