Mahigit 440, patay habang dose-dosena pa rin ang pinaghahanap sa pagbaha sa South Africa

275

Aabot na sa 443 ang nasawi habang 63 katao pa rin ang pinaghahanap kasunod ng mga naitalang pagbaha sa Kwazulu-Natal sa South Africa.

Tinatayang libo-libong pamilya ang nawalan ng bahay dahil sa pagbaha habang putol din ang serbisyo ng kuryente at tubig sa naturang lugar.

Ayon sa isang opisyal ng probinsya, aabot na sa 684.6 million US dollars o katumbas ng mahigit 35 billion pesos ang naitalang pinsala sa imprastraktura.


Kaugnay nito, umaasa pa rin ang mga rescuers na mahanap ang mga residenteng nawawala bunsod ng walang humpay na malalakas na pag-ulan kahapon sa South Africa.

Facebook Comments