Lungsod ng Taguig, magbubukas ng 24/7 vaccination center sa BGC

Plano ng pamahalaang lungsod ng Taguig na magbukas ng dalawang 24/7 vaccination centers sa Bonifacio Global City ng Barangay Fort Bonifacio at malapit sa Vista Mall sa Barangay Calzada-Tipas.

Ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano, ang nasabing 24-hour vaccination hubs ay hindi lang para mapadali, kundi mapabilis pa nito ang turnaround ng pagbibigay ng bakuna laban sa COVID-19.

Dahil din dito aniya mas marami ang mabibigyan ng bakuna kung sakaling magsimula ang roll-out ng Taguig City Government sa kanilang vaccination program.


Nauna nang nagtayo ang Taguig ng 40 na mga vaccination center na inilagay sa iba’t ibang lugar ng lungsod.

Target ng lungsod na makapag-establish ng 200 vaccination teams para mabigyan ng bakuna ang 630,000 na residente ng Taguig sa loob ng 60-90 na araw.

Facebook Comments