Manila Water, magsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa nasirang tubo ng tubig sa harap ng PNP-Pasig headquarters

99

Inihayag ni Jed Acordon ng Manila Water na magsasagawa sila ng imbestigasyon kaugnay sa nasirang tubo ng tubig sa tapat ng Pasig Philippine National Police (PNP) headquarters upang mapanagot kung sino ang nakasira nito.

Pero sinabi nito na kung ang PNP-Pasig ang nakasira ng tubo ng tubig, maaari aniya magkaroon lang ito ng internal agreement.


Sinabi rin ni Acordon wala naman naapektuhan na mga concessioner dahil ang nasabing tubo ay konetado lamang sa motor poll ng Pasig Police headquarters.

Pasado alas-4:00 kaninag madaling araw nang masira ang tubo ng tubig ng Manila Water sa kahabaan ng C. Raymundo Ave. malapit sa Mercedes Ave., Pasig.

Facebook Comments