Lungsod ng Taguig, may 33 na kumpirmadong bagong kaso ng COVID-19

Pumalo na sa 2,193 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) kagabi sa Taguig City.

Ito’y matapos makapagtala ang City Epidemiology Disease and Surveillance Unit ng karagdagang 33 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.

Ang mga bagong kaso ay mula sa Barangay ng Bagumbayan na may 12 individual na infected ng virus, ito rin ang barangay na may pinakamaraming kaso na naitala kahapon.


Sumunod naman dito ang Upper Bicutan na 7, at tig-apat sa Barangay Lower Bicutan at Tuktukan.

May tatlong bago kaso ang Barangay Pinagsama at may tig-isa sa Barangay Napindan, San Miguel, at North Signal.

Nasa 36 na ang nasawi sa lungsod na dulot ng virus, pero mas marami pa rin ang bilang ng recoveries na umabot na ng 1,882.

Habang nasa 275 naman ang active cases sa lungsod na patuloy naman silang inoobserbahan at ginagamot.

Facebook Comments