Lungsod ng Taguig, may 41 bagong kaso ng COVID-19

Pumalo na sa 2,547 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa Taguig City.

Ito’y matapos makapagtala ang City Epidemiology Disease and Surveillance Unit ng karagdagang 41 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod sa nakalipas na 24 oras.

Ang mga bagong kaso ay tig-10 sa Barangay Bagumbayan at Upper Bicutan.


Sinundan ito ng Barangay Lower Bicutan na may siyam na bagong kaso ng COVID-19.

Tatlo naman sa Barangay Pinagsama, dalawa sa Barangay Wawa at tig isa sa mga Barangay ng Bambang, Hagonoy, San Miguel, Tuktukan, Ususan, Fort Bonifacio at Western Bicutan.

Nasa 38 na ang nasawi sa lungsod na dulot ng virus.

Mataas pa rin ang bilang ng recoveries sa naturang lungsod na umabot na sa 2,029 na recovered patients.

Habang ang active cases naman sa lungsod na patuloy na inoobserbahan ay nasa 480.

Facebook Comments