Dalawang tulak umano ng iligal na droga sa lungsod ng San Juan, arestado sa buy-bust operation

72

Timbog ang isang babae at isang lalaki matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila pasado alas-11:40 kagabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Enrico Hernadez Cruz alyas ‘Rik’, 42-anyos, isang grab driver, nakatira sa Sta. Mesa, Manila at Rodelia Cruz Duque alyas ‘Shawie’, 27-anyos at taga-Sampaloc, Manila at parehong kasama sa Philippine National Police (PNP) drug watch list.


Nakuha mula sa mga suspek ang 3.9 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P26,520.

Batay sa ulat ng San Juan City Police, gagawin sana ang buy-bust operation sa kahabaan ng Agora ng naturang lungsod subalit nagbago ito ng mga suspek at nakipagkita ito sa isang hotel sa Sta. Mesa.

Nang makumpira ang nasabing iligal na transaksyon ng mga suspek, agad na sinalakay ng mga awtoridad ang 2nd floor ng Halina Hotel sa Sta. Mesa, lungsod ng Maynila.

Nakakulong na ang mga suspek sa San Juan City Police Station Custodial Facility para sa booking at documentation.




Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments