Inihayag ni Mayor Lino Cayetano na ang Taguig City ang may pinakamamabang bilang ng active cases ng COVID-19 kumpara sa ibang mga lungsod ng Metro Manila.
Ayon kay Cayetano, nakasaad sa datos ng Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) na sa bawat 100,00 katao na active cases sa Metro Manila, isa rito ay taga-Taguig City.
Ngayong umaga, mataas din aniya ang bilang ng mga gumagaling na sa naturang sakit kung saan nakapagtala ang CEDSU ng dalawangpu’t walong new recoveries habang nasa dalawangpu’t dalawa naman ang bagong kupirmadong kaso ng COVID-19.
Sa kabuuang, ang bilang ng kumpirmadong kaso ngayon ng COVID-19 sa lungsod ay 9,079 habang ang recoveries naman ay nasa 8,993.
Nadagdagan naman ng tatlo ang bilang ng nasawi sa lungsod, kaya naman umakyat na ito sa 70 o katumbas ng 0.77% Case Fatality Rate (CFR).