Lungsod ng Taguig, mayroong 53 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras

Nakapagtala ang Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) ng 53 bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, muling tumaas ang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa lungsod ngayong umaga na umabot na ng 6,638.

Pero kagabi, 74 ang naidagdag sa bilang ng mga recoveries kung saan mayroon na itong 6,144 recoveries.


Nananatili naman sa 55 ang bilang ng mga nasawi kung saan ang Case Fatality Rate (CFR) ay nasa 0.83% sa ngayon.

Habang ang bilang ng active cases sa Taguig ay nasa 439.

Paliwanag ng CEDSU, ang pagtaas ng bilang ng mga naitalang kaso ay dahil sa pamamagitan ng active case finding at testing.

Sa ngayon, ang lungsod ng Taguig ay nakapagsagawa na rin ng 47,674 Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) tests sa pamamagitan ng SMART testing program kasama na rito ang drive-thru testing, testing na isinagawa mula sa mga health centers at testing ng CEDSU.

Facebook Comments