URDANETA CITY, PANGASINAN – Nag-umpisa na rin ngayong araw, August 27, ang pagsasailalim sa lungsod ng Urdaneta sa General Community Quarantine dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga COVID-19 dito.
Sa bisa ng Executive No.16, series of 2021 na nilagdaan ng alkalde kahapon, Agosto bente sais, mahigpit na susundin ang ilang kautusan gaya ng pagsasailalim ng lungsod ng GCQ simula ngayong araw August 27 at magtatagal ng hanggang September 9.
Mahigpit ding ipapatupad ang pagsunod sa dose oras na market schedule na hanggang alas 6 ng umaga at alas 6 ng hapon, curfew hours, bawal magbenta ng alak ngunit maaring uminom sa loob lamang ng tahanan, bawal lumabas ang edad kinse pababa at high risks persons, paglalaro sa mga open spaces at amusement centers bawal din mag-operate, mass gathering gaya ng selebrasyon, seminars at meeting ay bawal din.
Ang hakbang at kautusang ito ng LGU Urdaneta ay dahil sa kagustuhan mabawasan ang paggalaw ng mga residente dahil sa patuloy na pagtaas muli ng kaso.
Samantala, base sa pinahuling datos ng Urdaneta City, mayroong 165 na aktibong kaso ang lungsod.