LUNOD | Tatlong tao, nalunod sa 2 bayan sa Capiz

27

Capiz – Tatlong tao ang naitalang nalunod sa bayan ng Pontevedra at Panitan sa probinsiya ng Capiz. Dalawang magkapatid na may edad pito at sampung taong gulang ang nalunod sa Barangay Tacas sa Pontevedra kung saan nalunod ang mga ito sa fishpond malapit sa kanilang bahay. Dinala pa ng tatay na si Reynante Bocala ang kaniyang mga anak sa ospital pero idineklara itong dead on arrival ng mga doktor. Samantala, nakita na lamang nakalutang at wala ng buhay sa Panay River sa Barangay Poblacion Ilaya sa panitan ang 39-anyos na si Mario Deli. Sinasabing tumalon ito sa ilog para maligo pero dahil sa kalasingan ay hindi na nito nagawang makaahon at tuluyan nang nalunod. www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments