WAR ON DRUGS | 2 miyembro ng notoryus na drug group at kasabwat nito, arestado ng PNP at PDEA

Mindanao – Arestado ng pinagsanib na puwersa ng PNP at PDEA ang dalawang miyembro ng notoryus na drug group at isang kasabwat nito sa Mindanao. Kinilala ang mga suspek na sina ibrahim Ambalgan at Baibon Pindawata, pawang mga miyembro ng Ambalgan Drug Group habang nasakote din ang kasabwat nila na si Alvin Balao. Nakuha sa bahay ni Ambalgan ang 25 piraso ng plastic sachet ng shabu na may timbang na 25 grams at may market value na P125,000 habang 10 gramo naman ang nakumpiska kay Balao na may halagang P50,000. Nakuha din ang isang .45-caliber pistol na may sampung bala. <www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments