Lupa na pagtatayuan ng temporary shelters, malapit nang matapos ayon sa Task force Bangon Marawi

Marawi City – Ibinida ngayon ng Task Force Bangon Marawi na malapit nang matapos ang lugar kung saan itatayo ang temporary shelters sa Barangay Sagonsongan sa Marawi City para sa mga residente na matinding naapektuhan ng kaguluhan sa lungsod.

Ayon kay Taskforce Bangon Marawi head Assistant Secretary Kris James Purisima, inaasahan na ibibigay na ang 4 na ektaryang lupain sa National Housing Authority o NHA para masimulan na ang pagtatayo ng mga transitional housing units.

Sinabi nito na sa Setyembre 9 inaasahan ang turnover ng lupain para sa pabahay.


Kasama aniya ito sa 17 ektarya na lupain na inihahanda ng pamahalaan para maging transitional shelter sites.

Ibinida pa nito na inaayos narin ng Local Water Utilities Administration o LUWA ang supply ng tubig at naiayos na rin aniya ng Lanao Del Sur Electric Cooperative ang supply ng kuryente sa transitional shelter sites sa Marawi City.

Facebook Comments