Lupaing hawak ng mga oligarchs na hindi nagbabayad ng buwis, paookupahan ni Pangulong Duterte kapag hindi mababayaran ang utang sa gobyerno

80

Manila, Philippines – Nagbigay lamang ng 3 buwan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Prieto at Rufino na ayusin o bayaran ang kanilang utang sa Gobyerno o ang kanilang Tax liabilities na aabot sa bilyon-bilyong piso.

Ayon kay Pangulong Duterte, kung hindi mababayaran ng mga oligarchs ang kanilang utang sa gobyerno sa loob ng kanyang itinakdang panahon ay paookupahan niya sa mga maralitang Pilipino ang mga lupaing hawak ng mga ito sa Makati at sa Pasay City.

Sinabi ni Pangulong Duterte, sobra na ang pagpapayaman ng mga oligarchs mula sa mga Pilipino at ito ay dapat nang huminto at hindi aniya siya tatanggap ng pera mula sa mga ito.

Nangako aniya siya sa taongbayan na ipaglalaban ang kanilang karapatan at ito aniya ang kanyang gagawin sa kanyang pamumuno sa bansa.

 

Facebook Comments