Isa ang patay, anim ang kritikal matapos mawalan ng preno ang isang tricycle sa Pagadian

39

Pagadian, Philippines – Isa ang patay habang anim naman ang sugatan kabilang ang tatlong taong gulang na bata sa nangyaring aksidente sa barangay Baloyboan lungsod ng Pagadian.

Sa panyam ng RMN sa driver ng tricycle na kinilalang si Robert Lacaza, sakay niya ang pitong pasahero galing sa isang family reunion nang nawalan ng preno ang minamanehong tricycle at tuluyang sumemplang sa kalsada.

Dead on spot ang 52-anyos na si Andres Maniacap nakatira sa Panabo, Davao Del Sur.

Nasa ospital naman sina Enquita Albano, Elvin Albano, Lovely Keyth Albano, Renante Babao, Mean Ann Babao, at Rolando Babao.

Sumuko naman sa otoridad ang driver.
DZXL558

Facebook Comments