LUSOT | 20% Student fare discount sa lahat ng transport system kasama ang tuwing weekend at holiday, pasado na sa committee level

Manila, Philippines – Nakalusot na ang substitute bill sa House Committee on Transportation na layong bigyan ang mga estudyante ng 20% discount sa lahat ng uri ng transportasyon.

Sa ilalim ng panukala ay palalawigin ang ibinibigay na diskwento sa pamasahe para sa lahat ng mga estudyante sa bansa.

Sa oras na maging ganap na batas ay mabibigyan ng 20% student fare discount ang mga mag-aaral sa land, water, at air transport systems.


Ibig sabihin, obligado nang magbigay ng 20% student fare discount ang mga bus, jeepneys, taxis, tricycle, Transport Network Vehicle Services (TNVS), MRT, LRT gayundin ang mga airlines at barko.

Kasama din ang mga araw ng Sabado at Linggo gayundin ang mga holidays na maaaring makapag-avail ng student discount.

Ayon kay Transportation Committee Chairman Cesar Sarmiento, malaking tulong para sa mga estudyante at sa mga magulang ang diskwento sa pamasahe ng mga magaaral lalo pa’t nagtataasan ang presyo ng mga bilihin at serbisyo at araw-araw na gastusin ng isang pamilya.

Facebook Comments