Manila, Philippines – Napilitan na ang Kamara na aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang P3.757 Trillion 2019 national budget.
Ito ay matapos makipag-ugnayan ang Senado kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., at binigyang direktiba na aprubahan na ngayong Linggo ng Mababang Kapulungan ang pambansang pondo.
Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8169 o ang 2019 budget sa botong 196 Yes at 8 No.
Ang nasabing panukalang budget ay hybrid kung saan magkahalo o may mga ipapatupad sa pamamamagitan ng cash-based budgeting at obligation-based budgeting system.
Pinakamalaking pondo ay sa sektor ng edukasyon na may budget na P659.3B, pangalawa ang DPWH na P555.7B, pangatlo ang DILG na may P225.6B, ikaapat ang DND na P188.2B at panglima ang DSWD na may P173.3B na pondo sa 2019.
Kasama din sa top 10 na may pinakamalaking budget ang DOH-P141.4B, DOTR-P76.1B, Department of Agriculture P49.8B, Judiciary P37.3B at ang ARMM P32.3B.
Mababatid na natagalan ang pagpapatibay sa 2019 budget bunsod ng re-alignment sa natuklasang P50 Billion na naisingit na pondo.
Muling tiniyak naman ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., na salig sa rules ang pagpapasa ng budget at hindi ito mauuwi sa reenacted budget.