LUSOT | Erap, absuwelto sa ‘Ghost’ Barangay – ayon sa DILG-Manila

Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government- Manila na kumpleto at hindi nagalaw ang Real Property Tax (RPT) shares kasabay ng paglilinaw sa isyu ng ‘Ghost Barangays’ sa Lungsod.

Lumilitaw sa resulta ng imbestigasyon ng DILG-Manila Field Office sa pangunguna ni Atty. Rolynne Javier City Director, ang 27 ghost barangays na binabanggit ng Commission on Audit (COA) ay aktuwal na barangay na may Temporary Barangay names at codes.

Bukod sa Barangay 10 na naroon pa rin ang pondo, sinabi ng DILG investigators na walang nailabas na pondo para sa mga sinasabing Ghost Barangays dahil ang umano’y pondo para sa 26 pang Barangay ay nakadeposito sa City’s Fund Trust account.


Sinabi ng DILG na ang City of Manila ay mayroong 896 Barangays bagama’t ang mga Barangay na numerical number ay walang opisyal na numero na kumakatawan sa sinasabing barangay.

Binanggit ng DILG na ang opisyal na Barangay numbers ay mula Barangay 1 hanggang barangay 905, kasama na ang mga naabolis na barangay na may Sub-A Markings.

Kaugnay nito, nagpapahayag naman ng kasiyahan si Mayor Joseph Estrada sa naging resulta ng imbestigasyon ng DILG sa Ghost Barangay issue.

Ayon kay Estrada, maayos ang Fiscal Management ng City saan mang parte ng pamamahala kaya nga nabayaran ang lahat ng pagkakautang ng nakaraang administrasyon at patuloy na nakapagsusulong ng mga programa para sa benepisyo ng mga mamamayan ng Lungsod.

Facebook Comments