LUSOT | Extension ng validity ng 2018 budget, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Joint Resolution 32 o ang pagpapalawig sa paggamit ng 2018 budget.

Sa botong 194 Yes at 6 No ay tuluyang napagtibay sa 3rd and final reading ang joint resolution.

Sa ilalim ng resolusyon ay pinapayagan na gamitin ang alokasyon sa maintenance and other operating expenses (MOOE) at capital outlay ng 2018 budget hanggang sa susunod na taon o hanggang December 31, 2019.


Ang extension sa validity ng 2018 budget ay gagamitin sa susunod na taon lalo na sa nagpapatuloy na rehabilitasyon sa Marawi.

Maliban dito, magagamit din ang natitirang alokasyon sa 2018 para sa rehabilitation efforts sa sunud-sunod na kalamidad na tumama sa bansa.

Facebook Comments