Pinagtibay na ng mga lider ng European Union ang Brexit deal o ang kasunduang nagkakalas sa Britain o United Kingdom sa organisasyon.
Ayon kay European Commission President Jean-Claude Juncker – pormal na inendorso ng 27 EU leaders ang treaty hinggil sa withdrawal ng Britanya at ang pagbuo ng draft para sa EU-UK trade pact.
Sa Marso 29, 2019 ay tuluyan nang aalis ang Britain sa EU.
Determinado naman ang EU sa posibleng partnerships sa UK.
Itinuturing naman itong tagumpay para kay British Prime Minister Theresa May na nangangailan pa niyang hikayatin ang mga miyembro ng parlyamento para paboran ang naging deal.
Facebook Comments