LUSOT NA | DOT Secretary Puyat at John Rualo Castriciones, lusot na sa CA-committee level

Manila, Philippines – wala pang sampung minuto ay agad ng nagpasya ang commission on appointments o CA committee on tourism na irekomenda ang pagkumpirma kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Aminado si Puyat na kinabahan sya sa maikling pagsalang sa confirmation hearing, pero pinaghandaan niya ito inaaral mabuti ang lahat ng tungkol sa kanyang bagong pwesto.

Tiniyak naman ni Puyat na tututok syang mabuti sa kaniyang trabaho at kahat ng madidiskubreng anumalya ay ipapasa niya sa Commission on Audit o COA para maibestigahan.


Bukod ito ay nirereview ding mabuti ni Puyat ang performance ng lahat ng Undersecretary at Assistant Secretary ng DOT para madetermina kung nararapat ng mga ito na manatil sa pwesto.

Plano din ni Puyat na isulong ang farm at heritage tourism at ang pagtiyak na hindi na mauulit sa iba pang tourist destination sa bans ang nangyaring problema sa Boracay.

Inihayag naman ni CA Comittee on Agrairain Reform Chairperson Senator Grace Poe na irerecomenda na rin niya ang pagkumpirma kay DAR Secretary John Rualo Castriones.

Ayon kay Poe, sa botohang isinagawa sa executive session ng mga miyembro ng CA panel ay nakakuha ng 13 boto si Castriciones, kung saan dalawa lang ang kumontra sa kumpirmasyon nito.

Samantala, lusot na rin a CA committee level si Commission on Elections Commissioner Socorro Inting.

Habang tinalakay sa pamamagitan ng executive session ng mga myembro ng CA Committee on Agrarian Reform kung papalusutin o hindi ang appointment ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones.

Facebook Comments