LUSOT NA | Institutionalizing 4Ps pasado na sa ikalawang pagbasa

Manila, Philippines – Nakalusot na sa ikalawang pagbasa ang panukala para sa institutionalizing ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps o ang House Bill 7773.

Sa ilalim ng panukala magbibigay ang gobyerno ng cash grants sa mga piling mahihirap na pamilya hanggang sa loob ng limang taon.

Binibigyang mandato ang panukala para sa pagkakaloob ng lump-sump conditional cash transfer sa mga kwalipikadong benepisyaryo na aabot ng P2,200 kada buwan para sa health at education expenses o P26,400 sa kada taon.


Inilatag naman ang mga kondisyon na sakop ng programa kabilang dito ang mga batang nasa edad na 0-5 taong gulang ay dapat na sumailalim sa heath check-ups at makatanggap ng bakuna, ang mga batang edad isa hanggang labingwalong taong gulang ay makakatanggap naman ng deworming pills dalawang beses sa isang taon at ang mga batang edad tatlo hanggang apat na taong gulang ay dadalo sa day care o pre-school classes.

Dagdag pa sa mga kondisyon ay dapat ang mga buntis ay makaka-avail ng pre at post-natal care at manganganak ang mga ito sa tulong ng mga skilled o trained health care professional sa isang health facility.

Inoobliga din na isa sa myembro ng pamilya ay dadalo sa family development session ng DSWD isang beses sa isang buwan.

Ang sinumang lalabag sakaling maging ganap na batas ito ay makukulong ng isa hanggang anim na buwan o pagmumultahin ng P10,000 hanggang P20,000 o mapapatawan ng parehong parusa depende sa desisyon ng korte.

Facebook Comments