LUSOT NA | Pagkakaroon ng tourism stamps, pinaniniwalaang magpapalakas sa turismo sa bansa

Manila, Philippines – Pasado na sa Mababang Kapulungan ang panukala para sa “Tourism Stamps” na layong mai-promote ang mga tourist destinations sa bansa.

Sa botong 230 yes at 0 no ay nakapasa sa ikatlo at huling pagbasa ang Philippine Tourism Stamps Act o House Bill 7510 na ini-akda ni Parañaque Representative Eric Olivarez.

Inaatasan ng panukala ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) na mag-print ng mga postage stamps kung saan tampok ang mga atraksyon at pasyalan sa Pilipinas.


Ang PHLPost katuwang ang Department of Tourism (DOT) at Tourism Promotion Board (TPB) ay siya namang tutukoy, gagawa ng illustration at labeling sa mga tourist destinations na ilalagay sa mga stamps.

Nakasaad din sa panukala ang paglalagay ng mga posters at promotional material sa mga strategic places sa bansa at sa abroad para mai-promote ang Pilipinas bilang world-class tourism destination.

Facebook Comments