Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Senate Bill 597 o pagsasabatas ng 20 percent discount sa mga estudyante.
Sa ngayon kasi ay batay lang sa regulasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang student fare discount.
Ayon kay Senator Sonny Angra, principal author ng panukala, kailangang bigyan ng diskwentro ang mga estudyante sa buong taon sa kahit na anong uri ng transportasyon.
Kabilang na rito sa barko at eroplano pero tanging domestic flight at regular fare lamang.
Ang mga estudyante namang mag-aaral sa ibang bansa, magsasanay o lalahok sa anumang kompetisyon ay wala ng diskwentro pero hindi na sila pagbabayarin ng travel tax.
Habang hindi naman kasama sa mga may discount ang mga kumukuha ng post studies.
Ang mga hindi susunod sa nasabing panukala ay pagmumultahin.