Manila, Philippines – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng kamara ang panukalang batas na bubuwag sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) at Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).
Sa botong 162-10, lusot na ang house bill 7376 na iniakda ni House Speaker Pantaleon Alvarez na magpapalakas sa kapangyarihan ng Office of the Solicitor General (OSG).
Layunin ng panukalang batas na ipaubaya ang trabaho ng PCGG at OGCC kay Solicitor General Jose Calida.
Ibig sabihin, mapupunta na sa OSG ang paghahabol sa mga ill-gotten wealth, properties at ilan pang mga nakaw na yaman ng mga dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan.
Kinakailangan na lamang nito ang counterpart bill sa senado para magsilbing consolidated bill para maging ganap na isang batas.
Ang PCGG ay binuo noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino para habulin ang mga umano ay nakaw na yaman ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.