Manila, Philippines – Aprubado na sa house committee on local government ang panukalang hatiin ang Palawan sa tatlong lalawigan.
Base sa local government code, kailangang nasa 2,000 square kilometers ang land area, P20 million ang income, at humigit-kumulang 250,000 ang populasyon ng isang lalawigan.
Giit ni Palawan Provincial Board Member Leoncio Ola, pasok ang tatlong bagong lalawigan ng Palawan sa mga pamantayang ito.
Kung matutuloy ang paghahati, tatawaging Palawan del Sur, Palawan del Norte at Palawan Oriental ang tatlong lalawigan.
Ipapasa ang resolusyon sa committee on rules, saka i-eendorso sa plenary.
Kapag naaprubahan ay ipapasa na ito sa senado at saka i-aadopt ang mga rekomendasyon ng committee on rules.
Facebook Comments