WBA WELTERWEIGHT BELT | Manny Pacquiao, hangad na mapatumba si Lucas Matthysse

Manila, Philippines – Aminado si Manny Pacquiao na hangad niyang mapatumba si Lucas Matthysse sa kanilang magiging laban sa Hulyo.

Nais kasi ni Pacquiao na makuha ang World Boxing Association (WBA) welterweight belt na hawak ngayon ni Matthysse kaya at gagawin daw niya ang lahat para dito.

Dahil dito, naghigpit na ang koponan ni Pacquiao sa pagtutok sa kaniyang pagsasanay upang makuha ng boxing champ ang tamang kondisyon para sa darating na laban.


Nabatid na may pitong linggo pa si Pacquiao upang ikondisyon ang katawan para sa inaasama nitong laban kontra kay Matthysse sa Hulyo 15 na huling baraha nito para muling makilala ang kaniyang pangalan sa mundo ng boxing.

Facebook Comments