LUSOT NA | Panukalang National ID System, pasado na sa ikalawang pagbasa ng Senado

Manila, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang pagkakaroon ng Philippine Identification System (PhilSys). Layon ng nasabing panukalang batas na pag-isahin, pagsama-samahin at pag-ugnayin ang mga government ID’s sa pamamagitan ng isang National Identification System. Nilinaw naman ni Senator Panfilo Lacson na hindi obligado ang lahat na magparehistro sa Philippine Identification System o PhilSys. Pero mahihirapan aniya sa mga transaksyon ang isang tao kung hindi magpapa-rehistro dahil sa dami ng ID na hihingin pa rito. Nakapaloob sa ID ang personal data katulad ng biometrics. <www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments