LUSOT NA | Panukalang pagbuo ng National Integrated Cancer Control Act, aprubado sa final reading ng Senado

Manila, Philippines – Lusot na sa pinal na pagbasa ng Senado ang panukala para sa pagbuo ng National Integrated Cancer Control Act.

Layunin ng panukala na makatulong sa maagang detection ng cancer gayundin ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mayroong ganitong sakit.

Sa tala ng Department of Health (DOH), walong batang may cancer ang namamatay kada araw habang pitong adult patients ang namamatay kada oras.


Lumalabas din sa ilang pag-aaral na pinakamalaking bilang ay mula sa mga mahihirap.

Sa ilalim ng panukala, bubuo ng Philippine Cancer Center na isasailalim sa pamumuno ng Philippine General Hospital.

Facebook Comments