LUSOT | Pag-regulate sa mga Islamic banks sa bansa, pasado na sa 3rd and final reading sa Kamara

Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8281 o “An Act Providing for the Regulation and Organization of Islamic Banks”.

Sa botong 221 Yes at 0 No ay nakalusot na sa plenaryo ang panukala na layong magtatag ng regulatory framework at i-organisa ang mga Islamic Banks sa Pilipinas.

Layunin ng panukala na makahikayat pa ng maraming investments at mapalakas ang mga Islamic Banks pagdating sa banking sector.


Binibigyang mandato sa ilalim ng panukala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na i-supervise, bigyang lisensya at i-regulate ang operasyon ng mga Islamic Banks.

Ayon kay Anak Mindanao Rep. Amihilda Sangcopan, ang Islamic bank ay maituturing na negosyo kung saan ang objectives at operasyon ay walang ipinapataw na interest o riba, alinsunod na rin sa Shari’ah principles.
Sa ilalim ng panukala, pinapayagan ang mga Islamic banks na magsagawa ng mga banking services tulad ng pagtanggap at paglikha ng current, savings at investment accounts, pagtanggap ng foreign currency deposits at umaktong correspondent banks at institutions.

Facebook Comments