LUSOT | Panukalang batas na layong magkaroon ng malinis na palikuran sa mga land transport at roro terminals, aprubado

Manila, Philippines – Lusot sa ikatlo’t huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na layong ayusin at pagandahin ang mga palikuran sa land transport at ro-ro terminals sa buong bansa.

Ang Senate Bill 1749 o ‘act to improve land transportation terminals, stations, stops, resto areas at roll-on/roll-off terminals’ ay nakakula ng 18 affirmative votes mula sa mga senador habang wala ang tumutol at nag-abstain.

Ayon kay Senadora Grace Poe, principal author at sponsor ng panukala – nagpapasalamat ito sa kanyang mga kapwa senador sa pag-apruba sa proposed measure.


Aniya, asahan na ng mga pasahero ang malinis at maayos na palikuran sa mga land at roro terminal at wala ng kokolektahing singil.

Kapag naging ganap na batas, ang mga operator o administrator ng land transport terminal, stations, stops, rest areas at roro terminals ay kinakailangan ng magbigay ng malinis at maayos na sanitary facilities sa mga pasahero nito.

Hindi naman sakop ng panukala ang mga deluxe comfort rooms.

Minamandato rin ng panukala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) katuwang ang Department of Transportation (DOTr) at iba pang kaukulang ahensya na magbigay ng libreng internet sa transport terminals at maglaan ng lactation station.

Facebook Comments