Lutong pinoy na sinigang, tampok bilang world’s best vegetable soup ng isang international food website

Itinanghal bilang world’s best vegetable soup ang Filipino dish na sinigang.

Ayon sa TasteAtlas, inilarawan nito ang sinigang bilang isang kakaibang sabaw na nagre-representa ng Filipino cuisine na bahagyang maasim sa panlasa na sakto sa mainit na panahon ng bansa.

Kabilang din na world’s best vegetable soup ang mercimek çorbası ng Turkey at šaltibarščiai ng bansang Lithuania.


Samantala, pinangalanan din ng website ang Locavore at Sentro 1771 bilang mga restaurant na nagbibigay ng masarap na sinigang.

Facebook Comments