Alexa Ilacad, nakapagtapos ng degree sa marketing na may 1.00 GWA

71

Pinatunayan ng aktres na si Alexa Ilacad na bukod sa talento at ganda, umaarangkada rin siya sa larangan ng akademya.

Ito ay matapos makakuha si Alexa ng 1.00 general weighted average (GWA) kasabay ang dean’s lister distinction sa nalalapit na pagtatapos sa kaniyang Marketing Degree.


Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang kasiyahang nadarama at sinabing matatapos niya ang pag-aaral nang buo ang loob at may determinasyon.

Binati naman si Alexa ng kaniyang mga fans at supporters sa kaniyang nakamit na karangalan kung saan ilan pa sa mga ito ang nagbiro na siya ay isang ‘True-to-life Bobbie’ mula sa kaniyang karakter bilang isang achiever sa isa sa kaniyang pelikula.

Facebook Comments