Luzon Grid, inilagay sa red alert ngayong hapon

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na inilagay nila sa red alert ang Luzon Grid sa pagitan ng alas-dos hanggang alas-kwatro ngayong hapon.

Nangangahulugan ito na magkakaroon ng sapilitang forced power outages dahil sa limitadong supply ng kuryente.

Ayon sa DOE, magkakaroon din ng rotational blackouts sa ilang bahagi ng Ilocos Norte, La Union, Zambales, Quezon, Camarines Norte, Albay, at Metro Manila sa pagitan ng alas-dos at alas-tres ng hapon.


Nilinaw naman ng DOE na hindi naman tatagal ng mahigit isang oras ang pagkawala ng supply ng kuryente

Asahan din anila ang power interruption sa mga susunod na araw.

Gayunman, nilinaw ng DOE na kapag nag-improve ang system condition o bumaba na ang demand ng elekstrisidad sa Luzon ay posibleng hindi mangyari ang power interruption.

Facebook Comments