Luzon Grid isinailalim sa Yellow dahil sa manipis na supply ng kuryente – NGCP

46

Nagpalabas ng anunsyo ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na isinailalim na ngayon sa Yellow Alert ang Luzon Grid dahil sa napag-alamang manipis na ang suplay ng kuryente.

Base sa abiso ng NGCP, nagsimulang ilagay ang Luzon Grid sa Yellow Alert kaninang alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-4:00 ng hapon.

Paliwanag din ng NGCP na nagkaroon ng hindi inaasahang power outrage at binawasang power rating sa ilang planta sa Luzon.


Facebook Comments