Philippine Coast Guard, nagpakalat ng bus sa harap ng pagluwag sa restrictions sa NCR

14

Nag-deploy ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga bus para sa mga pasaherong walang masakyan sa EDSA busway.

Sa harap ito ng inaasahan pagdagsa ng mga pasahero sa EDSA kasunod ng mas maluwag na Alert Level 3 na pinatutupad sa National Capital Region (NCR).

Tiniyak ng PCG na Magpapatuloy ang kanilang libreng sakay sa rutang MOA, PITX, Monumento at balikan mula 7:00 am hanggang 10:00 pm.


Tatagal ito hanggang Biyernes, ika-22 ng October 2021.

Ayon sa Philippine Coast Guard, bilang isa sa attached agencies ng Department of Transportation (DOTr), kaisa sila sa pagpapabuti ng pampublikong transportasyon, hindi lamang sa mga pantalan, kundi maging sa mga kalsada, istasyon ng tren, at paliparan sa bansa.

Facebook Comments