Inanunsyo ng system operator na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na muling ilalagay sa Yellow Alert ang Luzon Grid simula alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng umaga at ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon ngayon araw.
Batay sa advisory ng NGCP, ang operating requirement ay nasa 11,117 megawatts, samantalang ang available capacity ay nasa 11,847 megawatts.
Habang ang net operating margin ay nasa 236 megawatts.
Kabilang sa mga planta na nagsagawa ng forced outage ang:
Masinloc 1, GNPD 1, GMEC 3, Calaca 2 at, SLPGC 3 at 4.
At ang unplanned unavailable energy naman ay nasa 1,439 megawatts.
Facebook Comments