KICK OFF CEREMONY NG IKA 27TH POLICE COMMUNITY RELATIONS MONTH, ISINAGAWA NG PANGASINAN POLICE PROVINCIAL OFFICE

25
Sinimulan na ng Pangasinan Police Provincial Office ang Kick Off Ceremony ng ika-27th Police Community Relations Month sa Magilas Multi-Purpose Hall, Camp Antonio Sison, Lingayen Pangasinan.
Ang tema ngayong taon ay “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Ayon kay PMAJ Ria Tacderan, OIC Public Information Officer ng PANGPPO, nakatakdang isagawa ang ‘pulong-pulong’ o dialogue sa komunidad upang mapababa ang krimen sa probinsya.

Mayroon na rin aniyang naka iskedyul na tree planting activity at outreach program ang pulisya bilang pasasalamat ng pulisya sa suporta na ibinibigay ng iba’t-ibang sektor ng gobyerno.
Samantala, nanawagan ito sa publiko na magkaisa at magkaroon ng disiplina upang makamit ang bansang mapayapa. |ifmnews
Facebook Comments