LUZON GRID, MULING INILAGAY SA YELLOW ALERT STATUS

CAUAYAN CITY – Muling naglabas ng abiso ang pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines kaugnay sa ipinatupad na Manual Load Dropping sa ilang lugar sa Luzon.

Paliwanag ng NGCP, isinasagawa ang load dropping sa tuwing nakakaranas ng pagnipis sa suplay ng kuryente.

Sa Luzon Grid, ang available capacity ay 14,461 MW habang ang peak demand naman ay 13,612 MW.


Watch more balita here: GRADE 12 STUDENTS SA ECHAGUE, TUMANGGAP NG EDUCATIONAL ASSISTANCE

Paliwanag ng NGCP, mula 2023, dalawang (2) planta ng kuryente ang nakaranas ng forced outage, at mula Enero hanggang Mayo ngayong taon 14 na powerplant ang nakaranas din ng kakulangan sa suplay.

Bukod dito, kabilang din sa mga nakakaapekto sa suplay ay ang pagbaba ng napoproduce na kuryente ng Masinloc 1 at 2, Calaca 2, at Ilijan A.

Dagdag pa ang mababang lebel ng tubig sa Angat Main, at ang Forced outage ng QPPL, Pagbilao 2, at San Lorenzo.

Facebook Comments