Luzon grid, muling inilagay sa yellow alert status dahil sa manipis na suplay ng kuryente

Naging manipis na naman ang suplay ng kuryente sa Luzon grid.

Nag-abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nakataas ang yellow alert sa Luzon grid simula ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon at mauulit mamayang alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Bunsod ito ng hindi inaasahang pagkawala ng suplay mula sa apat na planta ng kuryente habang tatlo pang power plant ay may mabagal na kapasidad.


Dahil dito, umaabot sa 2,080 megawatts ang nawala mula sa inaasahang suplay ng kuryente ngayong araw.

Ayon pa sa NGCP, umaabot sa 11,572 megawatts ang kailangang suplay subalit nasa 10,548 megawatts lamang ang available.

Facebook Comments