Luzon grid muling isinailalim sa red alert status – NGCP

Muling inilagay sa red alert status ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang  Luzon grid kaninang 9:00 A.M. na magtatagal hanggang  5:00 P.M. ngayong araw ng  Biyernes.

Ito ang pinakamahabang red alert status na ipinatupad sa Luzon.

Sa ilalim ng red alert status, lubhang manipis ang reserbang kuryente kung kaya at asahan ang salit-salitan o rotational brown out.


Hindi naman inanunsyo ng NGCP ang mga lugar na makakaranas ng rotational brownout .

Kaugnay nito, kaninang 8:00 a.M. – 9:00 A.M, unang inilagay sa yellow alert status ang Luzon gayundin mamayang 5:00 P.M. – 10:00 P.M.

Base sa power situation outlook ng NGCP, aabot sa11,002MW ang available capacity ng Luzon grid habang aabot naman sa  11,191MW ang peak demand.

Facebook Comments