Simula ngayong alas dies ng umaga muling ipapatupad ng National Grid Corporation ang Yellow Alert status ang luzon.
Ayon sa abiso ng NGCP, iiral ang Yellow Alert hanggang 4:00 ng hapon.
Paliwanag ng NGCP ito ay dahil sa kakapusan ng operating reserve o pagnipis ng supply ng kuryente.
Base sa power situation outlook ng NGCP, aabot sa 11,625 MW ang system capacity ng Luzon grid habang aabot naman ang Peak Demand sa 11,293 MW.
Facebook Comments