Lyceum of the Philippines, target na talunin ang Mapua sa second round ng 93rd NCAA Basketball Tournament

Sports – Ipagpapatuloy ng Lyceum of the Philippines ang pamamayagpag kontra sa Mapua sa second round ng 93rd NCAA Basketball Tournament.

Unang tinalo ng pirates ang siyam na koponan sa first round ng tournament kung saan mayroon silang malinis na record.

Sina Cameroonian Mike Harry Nzeusseu at CJ Perez ang malaking susi sa tagumpay ng pirates, kasama ang kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino na naaasahan sa depensa.


Malaking bagay ang pagkawala para sa cardinals ng kanilang pambatong sentro na si reigning back-to-back MVP Allwell Oraeme at Shane Menina.

Lalo pang nalupaypay ang Mapua sa pagkakaroon ng injury ng kanilang team captain na si Andoy Estrella.

Facebook Comments