Ma. Isabela Lopez, humarap na sa LTO

Manila, Philippines – Humarap na kay Francis Ray Almora, director ng law enforcement service ng LTO ang aktres na si Maria Isabel Lopez matapos siyang ipatawag para magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat tanggalan ng lisensya dahil sa security breach.

Binigyan si Lopez ng pagkakataon na makapagharap ng position paper at sa loob ng limang araw ay pagpapasiyahan kung anong parusa ang ipapataw kay Lopez.

Umaasa naman si Lopez na huwag siyang tanggalan ng lisensya dahil mahalaga sa kaniyangbtrabaho ang may sariling minamanehong kotse.


Nang tanungin siya kung ano ang Natutunan niya sa nangyari , sinabi niya na mahalaga ang mababa angbang pasensya at ang kapangyarihan ng social media.

Facebook Comments