MAAARI | Pagpatay kay QC Deputy Prosecutor Velasco – posibleng may kaugnayan sa mga drug case na hinawakan nito

233

Manila, Philippines – Posible umanong may kinalaman sa mga hinahawakang kaso kaugnay ng iligal na droga ang motibo sa pagpatay kay Deputy Rogelio Velasco.

Ito ang tinututukang anggulo ng binuong special investigation task group ng QCPD.

Ayon kay QCPD Director C/ Supt. Joselito Esquivel – ini-isa isa nila ang mga drug-related case na hinawakan ni Velasco.

Bukod dito, tatlong barangay official din na sangkot sa iligal na droga ang sinisilip ng pulisya.

Pero paglilinaw ni Esquivel, wala pang indikasyon na may kinalaman sila sa pag-ambush kay Velasco.

Facebook Comments