NIYANIG | Sultan Kudarat – niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

18

Sultan Kudarat – Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Sultan Kudarat, 1:05 kaninang hapon.

Base sa datos ng PHIVOLCS, naitala ang sentro nito sa 26 kilometer timog-kanluran ng Kalamansig, Sultan Kudarat.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 40 kilometro.

Naitala ang intensity IV sa Lebak at Kalamansig; intensity III sa Cotabato City at Sultan Kudarat, Maguindanao habang intensity II sa Aleosan, Cotabato; Bagumbayan at Isulan, Sultan Kudarat.

Wala namang naitalang pinsala at wala ring inaasahang aftershocks.

Facebook Comments